18 Chapter 17

"Mauna ka na. May pupuntahan lang ako saglit." wika ko kay Ersy. Mabuti naman at tumango  ito at hindi na nagtanong. She told me earlier na may exam daw sila sa first subject kaya't maaga kaming pumasok ngayon. Tumawid naman ako ng kalsada at kinuha yung sandwich na ginawa ko kanina. Noong isang araw ko pa kasing napapansin itong matanda dito sa waiting shed. I wonder if he had a house or family. But based on my observation in him, mukhang napabayaan na nga ito.

"Lo, kumain na po ba kayo? Sa inyo na lang po itong sandwich." alok ko. Mabilis nya naman iyong kinuha mula sa kamay ko at kinain.

While looking at him, hindi ko maiwasang maawa. Why does he need to suffer like this? I can't imagine myself roaming around the street habang pinoproblema kung paano ako makakakain ng tatlong beses sa isang araw.

"Pasensya ka na, apo. Kahapon pa kasi ako hindi kumakain." dugtong nya pa, isang bagay na nakapagpalambot sa akin.

"Wait lang po, lo. Babalikan ko po kayo." paalam ko bago pumunta sa isang fastfood chain. Nagtake out ako ng orders bago ko sya binalikan. Everytime that I've encoutered these kind of scenarios, I keep on telling myself na may magagawa ako. Ewan ko ba, pero ang sarap lang talaga sa pakiramdam ng makatulong. Kaya't palagi kong sinasabi sa sarili ko na hangga't may magagawa ako, gagawin ko.

"Nakabuti mong bata apo. Nawa'y pagpalain ka ng Poong Lumikha." kita ko ang tuwa sa mga mata ni lolo ng mag abot akong muli sa kanya ng pagkain. Hinawakan nya yung kamay ko. Isang bagay na hindi ko pinandirian.

"Walang anuman po, lolo. Para po sa inyo lahat 'yan. Sige po. Mauna na po ako." paalam ko sa kanya ngunit bago ako pumasok ng gate namin ay hindi pa din ako bumitaw ng tingin sa kanya. I made a realizations because of what I saw right now. All the problems I've faced so far are just nothing compared to him.

When I entered our room, Trisha told me that we're vacant for three hours this day because of the teacher's meeting. That made me smile because I'm very sleepy right now. Draven and I are exchanging messages last night. Sinusubukan kong bumawi dahil sa naudlot naming dinner na kagagawan naman ni Asher.

I just force myself to stop thinking about that instead, I just went to the library. Umupo ako doon sa pinakadulong pwesto para matulog. Thank God that the librarian here is not too strict. Hindi katulad noong nakaraang taon na halos ma-banned na ako ng dating librarian na nagretired na.

Inayos ko na yung bag ko para gawing unan. I'm not comfortable if I don't have any pillow to use. Next time, I'll bring one. Hindi naman siguro ako sisitahin ng guard kapag nagkataon.

"I didn't know that you're here." napaangat ako ng tingin dahil sa isang pamilyar na boses na dumating. The next thing I knew, Asher is already sitting beside me. He placed  his things placed on the table. Lumibot ako ng tingin sa paligid ng mapagtanto kong wala namang halos tao sa dito bukod sa amin. He had so many seats to occupy and yet he's beside me now pretending that he didn't saw me.

"Can you choose another place instead of being here Asher? Matutulog ako."  reklamo ko sa kanya pero hindi naman ito nakinig.

"I'm always doing my projects here in this spot. You can move into the other table." He answered. Nawala naman yung antok na nararamdaman ko dahil sa inis ko sa lalaking ito. Kahapon pa sya ah!

"I don't want. I'm the first one to arrive here so you're the one who need to adjust." I irritatedly exclaimed. Ayoko namang lumipat ng tayo dahil gustong gusto ko sa pwestong ito. Malamig at malapit sa may bintana.

"Then you can sleep here while I'm doing my report." masungit nyang sagot. Imbes na makipagtalo ay inawat ko na lang yung sarili ko. He's now facing his laptop while typing something. Dumako naman ang tingin ko doon sa nakabukas nyang notebook. His hadwritten is very bad. Parang pangdoktor na kinahig ng manok.

Ibinalik ko na lang ulit yung tingin ko binabasa ko. I was able to finish the whole book ng makaramdam ako ng antok. Napahikab ako at napatingin sa katabi ko na ngayon ay tulog na. I can clearly see his whole face while sleeping. Hindi ko maiwasang mapalunok. How can a man be so handsome while his eyes are closed?

Everytime that I saw how angelic his face is, nawawala agad yung inis na nararamdaman ko.

Napailing na lang ako sa naiisip ko at kinuha yung phone sa tabi nya. It has no password so I was able to open his gallery. There was nothing to see here bukod doon sa video na na-delete ko na kahapon.

What kind of phone is this? He's not even taking any pictures. I also opened his music library but there's no song there. There are also no applications and games installed. I was curioused to read if he's texting any girls or maybe Laurene that's why I checked his messages pero hindi ko iyon mabuksan. It is the only one who had a password. I can't help but to get curious if he's hiding something or what.

I decided to open his camera and take a selfies there. Pagkatapos ay pinalitan ko yung lockscreen at homescreen wallpaper nya. His cellphone is too boring. Nilagyan ko ito ng picture ko para kahit papaano ay may maganda naman akong makita.

Pagkatapos kong pakealam yung phone nya ay ipinatong ko na yung ulo ko sa desk ko para pumikit. Naalimpungatan lang ako dahil sa ingay dito sa loob ng library. I looked at the wallclock at nakita kong 8:45 am na. Halos isang oras at kalahati din pala akong nakatulog. Asher is not here. Umalis na ata. I still have an hour kaya't pumunta na lang ako sa cafeteria. Bumalik pa ako ng library dahil nakalimutan kong kuhanin yung phone ko na nakapatong sa table. Maya maya ay nagvibrate ito kaya't mabilis ko iyong binuksan.

And to my surprise, my heart skipped a beat seeing his picture as my wallpaper. Nagmamadaling binuksan ko iyong gallery ko. There were 3 jaw dropping pictures there. I never thought that he'll be so handsome in this photos. Mukha pa lang ay pwedeng pwede ng pangmodel.

God, how come that he's receiving this precious praises of mine? I should be mad because he used my phone without my knowing. I just use my fingerprint as my password at siguradong nabuksan nya iyon habang natutulog ako kanina.

I looked at my wallpaper again. Sayang naman kasi kung ide-delete ko. While I'm busy looking at it, binasa ko na yung message nung nagtext. Asher's number is already registered here. He's the one who texted me at nakuha nya pa talaga yung number ko.

Asher: Stop looking at your wallpaper. Come here in the cafeteria and eat with me.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. How did he know that I'm looking at his photo?

/I am not. I already deleted your pictures, assumero./

After replying, I decided to change my wallpaper. I didn't delete his photos. I just moved it into a secret folder.

Pagkatapos noon ay pumunta na ako ng cafeteria. Nag order ako ng pagkain dahil ramdam kong kumukulo na yung tyan ko. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid ko hanggang sa magtama yung paningin namin ni Asher. He's with another girl. Halata sa babaeng tuwang tuwa sya dahil sa harutan nilang dalawa. Ako na mismo ang unang nag iwas ng tingin.

"Ate Kelsey, dito ka." rinig kong sigaw ni Geo samantalang si Zian naman ay kinuha yung tray ko. Agad namang naglabas ng notebook at ballpen si Geo at inilapit iyon sa akin ng makaupo ako.

"Can I have a fansign idol?" nakangiting tumango naman ako sa sinabi nya. I still remember kung paano nila ako suportahan noon sa pageants na sinasalihan ko. They're both a highschool students here in Cambridge.

"Tumatanggap ka ba ng manliligaw ate Kelsey?" tanong naman Zian. Lumipat naman ito ng upuan para tumabi sa akin. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil parang nakababatang kapatid na din ang turing ko sa kanilang dalawa.

"Palabiro ka talaga." tugon ko na lang at nakitawa sa kanila. Habang kumakain ay panay kwento sila sa akin ng mga nakakatawang bagay lalo na si Geo na mukhang natural na yata ang pagiging masiyahin.

Maya maya ay naramdaman ko yung braso ni Zian na umakbay sa akin.

"Pangako Kelsey, kapag pwede na tayong dalawa liligawan talaga kita." dugtong ni Zian. We had an age gap of 3 years I think? Hindi ko alam na ganito na pala sya kaseryoso pagdating sa mga ganitong bagay.

"What are you doing?" natigil ako sa pagtawa ng makita ko sa harap namin ngayon si Asher. Anong ginagawa nya dito? Hindi ba sya masaya sa babaeng kasama nya kanina kaya't manggugulo sya ngayon?

Mabilis namang umalis sa tabi ko si Zian na bakas sa mukha ang takot.

"We're eating for pete's sake! Anong ginagawa mo dito?" pagalit kong tanong. I just stay quiet at hindi ko naman sila inistorbo nung babae nya pero heto sya ngayon at ginagalit na naman ako.

His jaw cleched. Maya maya ay tumingin ito kay Zian.

"Hindi sya pwedeng ligawan." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. I was about to speak to tell Zian that he don't need to be afraid to Asher when he purposely grabbed my wrist. Agaw atensyon tuloy kami dito sa loob ng cafeteria habang hawak hawak nya pa din yung palapulsuhan ko.

Nang makalayo kami mula doon  ay galit ko syang hinarap.

"Ano bang problema mo? I already know from the very start that you like me Asher but please, stop yourself from being rude. Hindi ka pa ba kuntento doon sa babae mo na mukhang may gusto sayo? At isa pa, hindi naman kita boyfriend. Sana matuto kang lumugar!" sigaw ko sa kanya. Ramdam ko ang pagkahingal sa dibdib ko ng sinabi ko iyon. He's always the hindrance in everything that makes me happy. He always ruined my day.

Galit na galit ko syang tinalikuran pero hindi pa man ako nakakalayo ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. I froze when I felt his chin rested on my shoulders.

"I'm sorry."

Two words but that makes my whole system went crazy. I can feel voltage of electricity running through my veins. Damn! What did he do to me?
RECENTLY UPDATES