20 Chapter Nineteen

Naka-blindfold si Issa nang sinamahan siya nina Miggie at CJ sa club house. Nirentahan ni Rebecca ang club house para sa private dinner date nina Issa at Joey. At siyempre, tumulong din naman sina Arvin at Denise. Sila ang nag-pondo sa decorations, drinks and food.

Sabi ba naman ni Arvin kay Rebecca, "I am so sorry, Rebecca. Akala ko inahas mo si Joey sa kapatid ko."

"Ano ka ba naman, Arvin? Magagawa ko ba yun? Hindi nga kami talo! At isa pa, wala ng hihigit na guguwapo pa kay William Allie Snapes!" tugon ni Rebecca.

"Hayan ka na naman sa kalandian mo, moret ka! Alam mo, girl! Move on na. Alam kong hirap na hirap ang puso mo. At walang patutunguhan ang paghihiganti na yan. Baka ma-praning ka katulad ni Erin. I told you so!" payo ni Arvin.

"Pero, what if, magkahiwalay sila. At kami ni William ang magkatuluyan. May pag-asa pa. Naniniwala rin ako sa Forever. Kagaya mo, umaasa ka pa rin na mapansin ni Denise, hindi ba?" kinumpara ni Rebecca.

"Tariray ka! Huwag mo akong idadamay sa kaloka-lokahan mo. Ibahin mo ako. Ako, matiyaga ako maghihintay sa taong nakalaan para sa akin. Kung iniibig man ako ni Denise, why not? Ako na bahala mag-explain kay Papa na I am a woman trapped in a man's body. But, if not, there must be someone special for me given by the good natured spirits and angels." tugon naman ni Arvin.

At dumating na nga ang van na sakay sina Miggie, CJ at Issa. Samantalang si Issa na naka-piling ang mga mata, takang - taka pa rin siya kung saan siya dadalhin.

"Siguraduhing lay-out yan ng theme para sa home coming dance ang ipapakita niyo sa akin ha! Nag-effort pa ako sa lagay na ganito." sabi ni Issa na tinutukoy niya ang postura niyang sosyal na katulad rin na mga miyembro ng events committee.

"Oo nga eh, feel na feel mo na rin ang pagiging events committee. Alagad ka na rin ni Reyna Erin Brits!" biro pa ni CJ. Natawa naman itong si Miggie.

"Guys, huwag niyo naman akong pagtawanan. Nagalit nga sa akin si Erin at ang principal natin dahil sa nangyari sa Filipino Week." pasabi ni Issa.

"Kalimutan mo na yon. Past is past. Lahat naman may nagkakamali o naaaksidente. Walang duda, na sinadya talaga yon. Pero, ito lang ma-pra-promise namin sa iyo. Hindi kampo namin ni Joey ang gumawa n'un." paliwanag ni Miggie.

"Alam ko naman eh. Sa puso ko, alam kong hindi magagawa ni Joey ang maging pabaya o maging iresponsable. Kilala ko si Joey." sabi ni Issa.

Kinilig naman sina Cj at Miggie, "Ang sabihin mo, mahal mo na siya."

At pagkatapos n'un, sinenyasan ni Rebecca sina Arvin at Denise na tumugtog ng violin at piano para maging background music nila. Isa itong love song na theme song ni Joey kay Issa.

Binuksan ni Issa ang mga piling sa kanyang mga mata. Nakita niya ang romantic ambiance at namangha siya rito. At nakita niya si Joey na palapit sa kanya at may dalang bouquet.

"I am so surprised!" sabi ni Issa.

"I am very happy to see you. Here's your roses." sabi ni Joey na binigay niya ang mga bouquet of roses kay Issa.

"Thanks, Joey. Hinding - hindi ko ito makakalimutan." ngiti ni Issa nang tingap niya ang mga rosas.

"Salamat, napatawad mo na rin ako." sabi ni Joey.

"Joey, I am sorry kung iniiwasan ko kayo. Pero, napagdaanan na rin natin yon. Tapos na yon." sabi ni Issa.

At si Rebecca naman, nagprisinta bilang waitress nila, "Ma'am and Sir, your dinner is ready."

Natuwa naman si Issa sa nakita niyang masasarap na putahe.

"Kami pa ang nagluto niyan para sa inyo." sabi pa nina CJ at Miggie.

Tugon naman ni Rebecca, "Don't worry guys, may tinabi din ako para sa inyo para matikman niyo rin ang niluto ninyo."

"Ayos!" tuwa pa nina CJ at Miggie.

\

\\

...

-END-
RECENTLY UPDATES