17 Chapter Sixteen

"Ms. Erin, salamat sa panghapunan na dala niyo ha? Ano nga pala gagawin niyo sa lobby?" usisa ng guard.

Sina Erin Brits naman at Trish naman ay naka black fitted long sleeve at black fitted slacks. Dala nila ang kakailanganin nila na kabibili lang sa hardware store kanina.

"Gagawa lang kami ng project, Mang George. At huwag kang maingay ha!" sabi ni Erin.

At tumawa itong si Trish. Si Mang George, the security guard ay clueless naman. Pinapatuloy na lang niya ang pagkain niya ng hapunan.

Nang dumerecho na sila sa lobby kung saan naka-display ang mga paintings nina Joey at Issa, namangha naman itong si Trish sa nakita niya, "Wow naman! Ang gaganda ng mga ito. Tapos, sisirain lang natin?"

"Ano? Game ka?" tanong ni Erin.

"Oo ba." ngumiti itong si Trish.

At sinimulan na nilang sirain ang mga painting na naka-display. Nilagyan nila ng spray pain na kulay itim at kulay pula. At ang mga decorations na ribbon at flowers naman ay pinagpupunit-punit.

Nang matapos nilang gawin ang kanilang misyon, naging panatag na ang kalooban ni Erin, "Bukas na lang natin malalaman ang magiging reaksyon ng lahat."

Samantalang si Trish, kinuha na ang karatula na gawa niya sa kartolina, "Welcome to Joey and Issa's Art Gallery!" At ang disensyo pa ay may drawing na Freddy Krugger.

"Perfect!" bati pa ni Erin kay Trish sa gawa niyang disenyo na kartolina.

At pagkatapos n'un, umalis na sila ng school.

**************

Kinabukasan, nagulat ang mga estyudyante at mga guro sa nakita nila sa art exhibit sa lobby.

"Seriously? Sino ba ang may pakana nito?" reaksyon ni Arvin habang pinagmamasdan ang kahabag-habag na nasirang art exhibit.

Maya - maya, dumating ang principal kasama ang isang taga-press para kunan ang letrato ng naturang art exhibit at gawan pa ito ng artikulo sa diyaryo. Nagulat siyempre sila sa kanilang nakita.

"Where is Issa? Where is Joey? And, what the hell is meaning of this?" pasinghal niya na galit na galit dahil dismayadong - dismayado siya.

Pinatawag agad sina Joey at ang mga kasamahan niyang sina CJ at Miggie.

Tinanong sila ng principal, "Kayo ba ang may kagagawan nito?"

"No. Maayos po naming inarrange ang mga paintings. Hindi po puwede magkaganito." paliwanag ni Miggie.

Dagdag pa ni CJ, "Baka lang may nag-sabotahe kasi naiinsecure!"

At tumingin siya ng masama kina Erin at Trisha. Pero, umiwas lang sila ng tingin. Huli ng dumating si Issa at nakita niya ang nangyari sa art exhibit.

Reaksyon niya, "Oh, my god! Anong nangyayari? Bakit nagkakaganito?"

"Hindi din namin alam ang nangyayari? Maski kami, nagtataka din." paliwanag naman ni CJ sa kanya.

At pinaabisuhan na lang ng principal ang taga - press, "Huwag niyo na lang gawan ng artikulo ito. Kalimutan niyo na lang ng may nangyari na ganito. Pasensya na rin po sa abala."

"No worries. They're kids!" sabi ng media man.

At pinatawag ang events committee at ang magbabarkadang sina Joey, CJ at Miggie.

Sabi ng principal, "Wala akong pakialam kung sino sa grupo ninyo ang nagumpisa ng lahat ng ito. Napaka-irresponsible ninyo! And, you're no longer in grade school!"

"Ma'am, it is not our fault. Siguro talaga, there are really naughty students talaga who did this thing." pakiwari naman ni Erin.

Tumingin naman ang principal kay Issa, "Are you sure you are capable enough to lead an organization? Sa ganitong activity pa lang, pabaya ka na. Hindi mo man lang nabantayan. O, hindi ka man lang nakipagcoordinate sa mga heads mo?"

Sagot naman ni Issa, "Sabi po kasi ni Erin, ako na po bahala. Makipag-coordinate na lang ako kay Joey."

Bumira naman itong si Erin, "Uy! Hindi ganun pagkasabi ko. Sabi ko sa iyo, in the first place, kung may problema or kailangan ng tulong, huwag mahiyang lumapit sa akin o kay Trish."

At nag-finalize na ang disisyon ang principal, "Erin, you are now taking charge of the committee. Ayaw ko na maulit pa ito ulit. And, take Rebecca Green with you. I know you two can work well. But, Issa will remain in the committee as your assistant."

"What? Ma'am, hindi po kami magkakasundo n'un?" paliwanag naman ni Erin.

"Eh, makipagbati ka sa kanya? Problema ba yun? If I am leaving you and Trish to manage the committee, sabog-sabog lahat! At least, Rebecca has a creative talent to contribute in this committee." pakiwari naman ng principal.

"Fine." tugon naman ni Erin.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES