15 Chapter Fourteen

Pagkatapos mag-ensayo ang mga miyembro ng Arnis Club sa gym, si Rebecca naman ay pumunta sa girls' shower room para maligo. Tiyempong - tiyemp na sinundan siya ni Erin Brits. At gustong-gusto makaganti ni Erin Brits kay Rebecca. Kaya ninakaw niya ang extrang damit niya sa kanyang locker at mabilis siyang nakaalis ng gym na hindi nahahalata ng iba niya co-members.

Pagkatapos ni Rebecca maligo, nakatapis siya nang pumunta siya sa kanyang locker para kunin ang kanyang pamalit na damit. At nagulat siya wala doon ang mga damit niya.

And, this is her great humiliation in her life! Nageemote na lang siya sa girls' locker room dahil sa sinapit niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya.

Narinig siya ni Joey sa labas ng girls' locker room kaya siya pumasok para matingnan kung ano ang nangyayari. At naabutan niya doon si Rebecca.

"Hey, what's wrong?" tanong ni Joey.

"May nagnakaw sa mga damit ko." sabi ni Rebecca.

"Oh, may extra pa akong damit dito. Kung ok lang, ipahiram ko sa iyo?" paanyaya pa ni Joey.

At doon nakaisip ng ideya si Rebecca na maging solusyon sa problema niya.

"Sige. Ok lang sa akin. Pero, huwag mo ito pagsasabi sa kahit sino kundi malilintikan ka sa akin." sabi pa ni Rebecca.

At napalunok sa kaba itong si Joey sa banta ni Rebecca. Pero, pinahiram pa rin niya ang extra niyang damit kay Rebecca.

Nang matapos na magbihis itong si Rebecca, sinuot niya ang cap at shades na tipong nagdisguise pa siya na parang lalake. Madali siya lumabas ng girls' locker room. At nang may narinig siyang tinawag ang kanyang pangalan. Walang iba kundi ang coach niya.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung lilingon ba siya. Pero, tamang-tama, nandun sina Joey, CJ at Miggy.

Sabi ni Joey sa coach, "Sir, naka-uwi na po si Rebecca."

Sagot naman ng coach, "Ah, ganun ba! Naku! Malabo na siguro ang mga mata ko at kailangan ko na magsalamin."

At mabilis na rin pumuslit itong si Rebecca palabas ng gym. Sumakay siya sa kotse niya at dumerecho na siya sa kanyang bahay.

Nakatangap siya ng text galing kay Joey na nagsasabing, "Ingat ka!"

At nireply naman niya ng, "TY!"

Laking tuwa niya na tumupad itong si Joey sa kanilang usapan. Napagtanto din niya na kahit pilyo itong si Joey, napakabuti din naman pala niya.

At paguwi niya ng bahay, laking gulat ng mommy niya kung bakit siya naka-pambihis lalake.

Sagot naman niya, "Ma, huwag kayong mag-alala. Hindi po ako tibo. Hiniram ko lang ang damit na ito kasi may nagnakaw sa damit ko."

Suhestyon naman ng kanyang mama, "Magpalit ka kaya ng padlock?"

"Sure. Talagang gagawin ko po yun." tugon naman sa suhestyon ng mommy niya.

Kinabukasan, pagpasok ni Rebecca sa school, nagulat na lang siya kung bakit nagkakagulo ang mga estyudyante sa school ground. At nang tiningnan niya, nakita niya ang ang mga damit niya na ninakaw mula sa locker niya ay nakasampay sa sanga ng puno.

Nagpumilit siyang akyatin ang puno pero hindi niya kaya. Kaya, nang nakita siya nina Joey, CJ at Miggy, saka siya tinulungan ng mga ito. Inakyat nila ang puno para kunin ang kanyang mga damit na nakasampay. At nang kanilang kinuha, saka nila binigay kay Rebecca.

Taka ni Rebecca, "Sino naman ang may gawa nito?"

Sabi naman ni Joey, "Hindi na mahalaga. Basta naibalik na sa iyo ang mga damit mo."

At sabi pa ni CJ, "Labhan mo na lang ang mga yan sa bahay."

Nagpasalamat si Rebecca, "Thanks nga pala sa tulong niyo, ha!"

Bulong naman ni Joey sa kanya, "Ok lang iyon! Safe ang secret mo sa akin."

Ngumiti naman si Rebecca sa kanya. Nginitian din siya ni Joey. At pinagmasdan sila nina CJ at Miggy habang nagkakatinginan silang dalawa.

Biro pa ni CJ, "Uy! Anong sikreto yan?"

Dagdag pa ni Miggy, "Uy! Baka saan pa mapunta ang mga titig niyong yan ha? Iba na yan!"

Natawa naman silang pareho nina Joey at Rebecca. Sabi ni naman ni Rebecca, "Naku! Tigilan niyo kaming dalawa."

Sabi naman ni Joey kay Rebecca, "Bakit? Hindi ba maging imposible na maging tayo?"

Bago sagutin naman ni Rebecca ang tanong ni Joey, ito naman si Issa ay nandun lang sa sulok na tinawag ang pangalan ni Joey. Napalingon si Joey, "Uy! Nandyan ka pala."

"Joey, magpapatulong sana ako sa iyo." sabi ni Issa at hinila niya si Joey.

Nang nakaalis na si Joey, sabi naman ni Miggy, "Hmm... Malapit na pala ang Filipino Week. At kailangan naman ng abilidad ni Joey ang pag-gawa ng mga magagandang designs."

At doon sa canteen, nakahintay ang mga events committee kina Joey at Issa.

"Joey, kailangan namin ng tulong para sa Lingo ng Wika. At inisip ko na gagawa tayo ng art exhibit." sabi naman ni Issa.

Dagdag pa ni Erin, "At alam kong kayong dalawa ay mga gifted artists. Malaki ang maitutulong niyo sa event na ito."

Sagot naman ni Joey, "Sure. Maasahan niyo ako."

At niyakap naman ni Issa si Joey, "Thanks, Joey! You're the best!"

Commento naman ni Joey, "Naku! Para ka namang bata."

Natawa din si Erin, "Uy! Ang cute ninyong dalawa. Bagay kayo. Sana madevelop pa ang friendship ninyo."

Nag-blush naman itong si Issa at sinabing, "Aatupagin ko muna ang studies ko. Yun ang pinangako ko kay Lola."

At natahimik naman si Joey. Hindi yun ang ineexpect niyang sagot kay Issa. Dahil inaasahan pa niya na magiging malalim pa ang pagkakaibigan nila.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES