12 Chapter Eleven

FRIDAY

Ang mag-asawang Mr. and Mrs. dela Rosa ay lumipad na patungong Bangkok sa paniwalang mag-aattend sila ng Business Conference. At samantalang si Lola Manuelita ay kasulukuyang inihatid nina Arvin at Issa sa NAIA dahil magbabakasyon siya sa Switzerland.

Tanong naman ni Lola Manuelita, "Mga apo, ok lang ba sa inyo na magbabakasyon ako sa Switzerland? Eh, sino ang magbabantay sa inyong dalawa?"

Sagot naman ni Arvin, "Lola, ok lang po yun. Kaya naman po namin ni Issa ito. Don't worry, magpapakabait po kami."

Sangayon naman si Issa, "Don't worry po, Lola. Ako po ang bahala kay Kuya."

Natawa naman si Lola Manuelita, "O, sya! Salamat sa regalo niyo. At maski malayo pa kaarawan ko, nagabala pa kayo na pagbakasyunin ako sa Switzerland. Tanging kayo lang dalawa ang kayamanan ko. Hindi ko kayo ipagpapalit sa anu mang brillantes."

At nagpaalam na si Lola Manuelita na pasakay na ito ng eroplano. Pagalis ni Lola, tuwang - tuwa naman sina Arvin at Issa.

"Diyus ko dai! Halos mangatog na ang tuhod ko kanina. Mabuti naman pumayag si Lola sa suhestyon ko na magbakasyon siya." sabi ni Arvin.

"Thank goodness! Yung event sa Sabado ang proproblemahin na lang natin. Kailangan natin magarkila ng catering at sound box para sa event. At take note, naipamigay na sa mga kaibigan mo ang mga invitation cards. Don't worry about the theme. Kaming dalawa ni Joey ang magdedecorate ng penthouse." sabi pa ni Issa.

"Maraming salamat, kapatid ko. At least, kahit papaano, once in a while, ma-enjoy ko naman ang pagiging Super Sereyna ko, di ba?" pasalamat naman ni Arvin.

At pagkagaling sa airport, kanya-kanya na silang umuwi sa kanilang tinutuluyan. Nakareceive si Issa ng text mula sa principal. At gusto daw siya kausapin. Nagtataka tuloy si Issa kung bakit.

Pagpasok niya sa school, nagtungo siya sa Principal's Office.

Sabi ng Principal, "Ija, alam kong bago ka pa lang sa events committee at marami kang mga bright ideas. Ano ba itong nalaman ko na magkakaroon kayo ng film showing? At ideya mo raw iyon."

Paliwanag naman ni Issa, "Alam ko pong Catholic School ang St. Anne Academy. Nirerespeto ko po iyon. Huwag kayong mag-alala. American Classic po ang panonoorin ng mga estyudyante."

"American classic? Yung 50 Shades of Grey ba ay American Classic? Modern movie yun a. Anong mapupulot ng mga kaeskwela mo dito?" taka ni Principal.

"Ano po?" gulat ni Issa.

"Nag-submit ng request letter ang events comittee at yun ay nasa pangalan mo. Kaya nagulat ako kung bakit 50 Shades of Grey ang napili mo para sa film showing. Kung American Classic naman pala ang hilig mo." pakiwari ng Principal.

"Po? Di po ako gumawa ng sulat. Malamang po sina Trisha at Erin." sabi niya.

"Hmm... nagtuturuan pa kayo. Ija, mga high school na kayo at hindi na kayo mga bata. Palitan mo ang pelikula. Imbes na yon, gawin mong Gone With The Wind? Pero, huwag mo na lang sasabihin sa mga kasama mo. Naintindihan mo? At kailangan nandun din ako mismo sa araw ng event. Ako ang magmomonitor sa inyong lahat." sambit pa ng Principal.

"Opo. Masusunod po." tugon naman ni Issa.

"O, sya! Yun lang ang masasabi ko. At, Issa, alam kong bago ka pa lang. Hindi mo pa kilala ang iba pang mga estyudyante dito. At huwag ka basta-basta oo na lang ng oo sa sinasabi nila sa iyo, ha?" payo ng Principal.

"Opo." sangayon niya.

Paglabas ni Issa sa opisina ng Principal, napagtanto niya na iba talaga ang ugali nina Trisha at Erin. Narealize din niya na baka gagawa din sila ng hakbang na ikapapahamak din niya. Pero, nagdisisyon siya na huwag na lang sabihin sa Kuya Arvin niya para hindi na lumaki ang gulo.

Patungo na siya sa klase, nakita niya sina Rebecca at Joey masayang nagtatawanan at naguusap kasama sina Cedric at Miggy. Nang napansin siya ni Miggy, binati siya nito, "Issa, nandiyan ka pala. Come and join us."

Dagdag pa ni Cedric, "Ito kasing si Joey, may kinikuwentong joke sa amin. Halos namimilipit ang tiyan ko sa kakatawa."

Sabi naman ni Rebecca kay Issa, "Good luck sa event niyo sa Saturday ha! Alam mo? Mahilig din kami ng Nanay ko sa American Classic."

Ngumiti naman si Issa, "Huh? Ganun ba? Kung gayon, tumulong ka sa amin sa Saturday para i-set-up ang AVR. Kung ok lang sa iyo."

Sumangayon naman si Rebecca, "Oo ba."

At naging panatag na ang loob ni Issa dahil may makakatulong na sa kanya sa event sa Saturday.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES