10 Chapter Nine

It is the first day of the opening of the classes, all students in St. Anne Academy wearing their preppy school outfit. Syempre, excited itong si Issa, ang ating bida.

Hinatid siya ng driver niya papuntang school. At nang tiningnan niya muli ang gusali ng school, she is so impressed. Inobserbahan din niya ang mga ibang ka-eskwela niya na mukhang mga sosyal at galing sa prominenteng pamilya.

First thing in the morning, she has to attend the freshmen orientation. At hayun, pinuntahan na niya sa school's lobby kung saan nagkapulong-pulong ang mga freshmen students. Nagmamadali siya pumunta doon, at hindi niya namalayan na nabanga siya ng isang estyudyante na mukha rin nagmamadali. Well, it's Joey Calamares, wearing his school's preppy uniform.

Nagulat itong si Issa dahil hindi niya ineexpect na magkikita sila ni Joey.

"Anong ginagawa mo dito? Nagaaral ka rin pala dito?" sabay pa sila.

At pareho silang natawa.

Nang tinawag si Joey nina CJ at Miggie, saka nag-paalam siya kay Issa, "Mauna na ako. Pupunta pa kasi ako sa registrar office."

"Sige, Joey, good luck!" sabi pa ni Issa.

Hindi nila alam, na nandun pala si Arvin na kanina pa silang tinitingnan. At nilapitan siya nito.

"Hmm... ang hairlalu ng sis ko humahaba parang sirena. Iba ang beauty mo talaga day kung ikumpara sa akin. Sa iyo na ang korona!" bati pa niya.

Ngumiti naman si Issa, "Ano ka ba? Kuya kita. Natural lang na mas magada ka kesa sa akin."

Natuwa naman si Arvin, "Oh, I am so blessed to have a sis like you!"

At niyakap niya si Issa.

"O, sya, Kuya! May orientation pa ako. Kita na lang tayo sa recess." sabi niya.

"Sure!" sabi naman ni Arvin.

At saka dumalo na rin sa orientation si Issa.

At ito naman si Arvin, papasok na siya sa klase niya nang napansin niya si Denise na kausap si Erin Brits. Pinangmamasdan niya itong si Denise. At actual na nakita niya na hinalikan ni Erin si Denise sa cheeks, bago ito umalis.

Nagulat syempre itong si Arvin, "What's this?"

At saka pinuntahan niya si Denise. Syempre, medyo lalake ang kilos niya dahil hindi pa alam ng ibang kaklase niya na bakla siya.

"Pre, hindi ko alam na sinusulot mo pala ang GF ni William? Ikaw talaga ha! Playboy ka talaga!" bati pa niya.

"Ikaw naman, Arvin. Pero, huwag mo itong pagsasabi sa iba ha? Break na sila ni William." kuwento ni Denise.

"Really? Congrats naman sa iyo, bro! Alam mo, liligawan ko sana si Erin, pero di niya ako type eh. Mas pinili pa niya yung uhugin na William na iyon. Lagot siya sa akin mamaya sa basketball practice." pakiwari naman ni Arvin.

"Sige, 'tol! Kita na lang tayo sa practice mamaya." sabi nang natawang si Denise.

At dumerecho na si Arvin sa klase niya. Sabi pa niya sa sarili, "Naku! Ang harot talaga ng girlalu na yon. Sarap sambunutan. Kaya binansagan na 'Syota ng Bayan'."

At bigla siyang nagulat nang binati siya ni Rebecca, "Uy, Arvin!"

"Ay! Kabayong - Palaka ay nabuhay!" sabi pa ni Arvin.

At nabigla itong si Rebecca nang napansin niya na lumabas ang beki-mode ni Arvin.

Tinanong niya, "Totoo pala ang tsismis na bakla ka!"

Sabi pa ni Arvin nang hinila siya sa tabi, "Ano ka ba? Hindi no? Nagulat lang ako. Sinong bakla? Halikan kita diyan!"

"Nek-nek mo! Panget!" sabi niya at nagmamadali nang umiwas itong si Rebecca papunta sa canteen.

Pag-alis naman ni Rebecca, nagbuntung - hininga itong si Arvin, "Muntik na ako doon. Malilintikan talaga sa akin ang Rebecca na yon kung pinagkalat niya na bakla ako."

Umakyat na si Denise sa third floor, patungo sa classroom niya.

Pagtingin niya, naabutan niya doon sina Miggy at CJ. At may bakanteng upuan malapit sa kanila. Doon siya umupo.

Binati siya ni Miggy, "Pare, kamusta na? Iba talaga ang anak mayaman. Siguro, engrande ang birthday party mo sa darating na Sabado?"

Usisa pa ni CJ, "Invited ba ang buong basketball team? Magiinvite ka rin ba ng mga chicks?"

Mukhang nangilabot si Arvin sa pinagsasabi ni CJ, pero kerri-bells na rin niya na umaktong siga, "Kayo talaga! Pumunta kayo sa party ha! Sagot ng erpats ko ang inuman."

At natural, natuwa naman sina CJ at Miggy.

Sabi pa ni Arvin, "Naku! Dadalo nga pala si Lola sa party. Paano itong si Issa, magpapangap na hindi pupunta dahil sa business deal nila. Kung kelan ako magbibirthday, hindi ko makakasama ang kapatid ko. Kung sa condo na lang niya kaya ako mag-bibirthday. Hindi bale, gagawa ako ng paraan. Iimbitahan ko ang mga amiga ko. At siyempre, hindi ko iimbitahin ang buong school. Leche sila!"

\

\\

...
RECENTLY UPDATES