8 Chapter Seven

Sa garden, nagpapahinga si Dona Manuelita habang umiinom ng tsaa, binabasa niya ang diyaryo na nasa lifestyle section. Dahil inaabangan niya ang lathala na pinagawa niya sa kaibigan niyang writer. Ipropromote kasi niya si Joey bilang new talent artist para sa ganun ay magkaroon siya ng maraming kliyente. Siyempre, kasama na doon ang background checking sa binata. At nalaman din ni Dona Manuelita na anak pala si Joey ng gobernador sa Nueva Ecija.

"Hmm... paano kung malalaman ng gobernador na bulakbol ang inatupag nito imbes na pag-aaral. Naku! Well, ganyan talaga ang buhay, maski sa business ay nauuto ka. Tuturuan ko na lang siya ng leksyon para tumino." sabi niya.

At konontak niya ang tatay ni Joey para sabihin na magiisang taon na hindi pumapasok sa eskwelahan si Joey at ngayon ay isa na siyang artist na nagbebenta ng mga paintings.

Kaya ang ginawa ng gobernador ay tinawagan si Joey para komprontahin. Pinagalitan niya ito at gusto niyang pauwiin ito sa Nueva Ecija dahil sa kalokohan na ginawa. Ngayon natataranta na si Joey kung ano ang gagawin niya.

Kaya ang ginawa ni Joey, binenta na niya ang cellphone niya at nagpalit na rin siya ng bagong number. Lumipat na rin siya sa ibang boarding house para hindi na siya matunton ng tatay niya.

Nalaman din nina Cedric at Miggie ang nangyari dahil kinuwento ni Joey sa kanila.

Tanong ni Miggie, "Ano na gagawin mo ngayon? Lilipat ka rin ba ng ibang school?"

Sagot naman ni Joey, "Parang malabo eh. Kasi alam na ng buong Pilipinas na anak ako ng gobernador. Hindi ko naman akalain na ilalathala pa sa publiko ni Dona Manuelita ang buong pagkatao ko."

Sabi naman ni Cedric, "Alam mo? Ganito talaga sa business. Kailangan ng publicity para mas makilala ka. At higit sa lahat makahatak ka ng maraming clients."

Sabi naman ni Joey sa kanya, "Paano si Issa? Paano kung malaman niya na ang totoo na may business transaction ako sa Lola niya?"

Hindi na kumibo si Cedric. Inaalala kasi ni Joey na baka magtampo si Issa.

***************

Kinausap ng HR si Joey nang masinsinan dahil nalaman rin niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ni Joey.

Sabi ng HR, "Ang ayaw ko sa tao ay yung nagsisinungaling. Ang tanong, bakit hindi mo sa akin sabihin ang totoo na anak ka pala ng gobernador. Nakakahiya naman sa tatay mo, dahil tinangap kita dito bilang messenger."

Sagot naman ni Joey, "Huwag na po kayo magalit sa akin. Ginawa ko po yun kasi kailangan ko rin po ng trabaho."

Umiling ang HR, "No. Sa pagkakaalam ko, drag racer ka. At kumikita ka bilang drag racer pero ginamit mo naman sa bisyo mo. Kayo talaga mga kabataan! At bukod pa doon, hindi ka pa pumapasok sa school. Alam mo bang, malaking kahihiyan ang binigay mo sa tatay mo."

"Nagsisisi na po ako. Kung hindi niyo po ako tinangap sa trabaho, malamang napaliwara na rin ako eh." paumanhin naman ni Joey sa HR.

"O, sya! Tatangapin pa rin kita dito. Pero, sa isang kundisyon. Hindi na bilang isang maintenance at messenger. Bilang apprentice ko. Para sa ganun, mas marami ka pang matutunan na skills. At magagamit mo rin ang mga natututunan mo balang araw. At dahil doon, 15,000.00 php na ang sahod mo kada - taon. Ang gagawin mo lang ay taga-sagot ng mga telepono, taga-interbyu ng aplikante at taga - type ng mga business letters." salaysay ng HR.

"Huh? Sa tingin ko, kaya ko pong gawin iyon?" taka naman ni Joey.

"Kayang-kaya mo yan. Para naman maging proud sa iyo ang daddy mo. At isa pa, bawasan ang paginom-inom ha?" bilin ng HR.

"Salamat po, Ma'am!" pasalamat naman ni Joey.

At sabi pa ng HR, "Congratulations nga pala sa art exhibit mo ha! Siguro, marami ka ng parokyano. Pero, siguraduhin mong kaya mong balansehin ang part time business mo at ang trabaho dito. At isa pa, malapit na ang pasukan. Mag-aral ka mabuti."

"Yes, Ma'am." sagot naman ni Joey.

At pag-alis ni Joey sa opisina ng HR, lumuwag ang dibdib niya. Ito na ang masasabi niya na simula na ito ng kanyang bagong kapalaran.

Dinalaw niya si Issa sa condo unit nito. At hindi niya akalain na nandun sa condo unit si Arvin na kasulukuyan na nanonood ng Sports channel.

"Pre, nandito ka pala!" bati ni Arvin.

Sabi naman ni Joey, "Kamusta ka na, pre!"

Gulat naman ni Issa, "Magkakilala pala kayo ng Kuya ko. What a small world."

"Issa, may sasabihin sana ako sa iyo..."

Bago pa matapos ni Joey ang pangungusap niya, nagsalita na si Issa, "Alam ko na ang tungkol sa business deal mo kay Lola. At natutuwa naman ako para sa iyo. Malay mo, balang araw! Magiging magkasosyo tayo at magtatayo ng sarili nating business."

Ngumiti naman si Joey, "Ah... ganun ba? Business partners lang pala..."

Tumingin sa kanya si Arvin at bumigay na rin ang kanyang pagka-bakla, "Echos! Assuming?"

Biniro naman ni Issa si Arvin, "Kuya, ano ka ba?"

Sagot naman ni Arvin, "Eh naka-get-over ka na kay Denise. Heto naman si Mr. Pogi No. 2 ang type mo? Ikaw talaga!"

Samantalang si Joey naman, nagtataka sa nirereact ni Arvin. Nakakahalata na siya na bakla itong si Arvin. Pero hindi siya kumibo. Nakatayo siya at parang natulala na nakatingin kay Arvin.

Tiningan siya ni Arvin at sinabi, "Upo ka. Nood tayo ng TV. Bisita ka namin. Popcorn? Gusto mo?"

At bumalik sa kusina si Issa, "Teka, kukuha ako ng ice tea para kay Joey."

Umupo si Joey sa sofa. Kumain na rin siya ng popcorn habang nakikinuod din ng Sports Channel.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES