6 Chapter Five
Heto, si Issa naman ay meron na naman client at tapos na yung painting na nirequest ng client. Pupuntahan na niya yung opisina ng client para i-deliver ang painting. Paglakad niya sa hallway, in the same condo building pa rin, nabungo niya itong si Joey. Si Joey naman dala niya yung timba dahil magma-mop siya. Nabasa niya yung painting ni Issa.
Inis na inis itong si Issa, "Ano ba naman ito? Kailangan na ito ng client, pagkatapos uulitin ko naman."
Humingi naman ng paumanhin itong si Joey, "Sorry, Ma'am Issa. Hindi ko talaga sinasadya. Kung gusto niyo bayaran ko na lang ang nagastos niyo at pakiusapan natin ang client na bigyan ka pa ng panahon para gawin ulit yung painting."
Sabi naman ni Issa, "Huwag na. Hindi na kailangan. Pinapatawad na kita. Nakikita ko naman ang sincerity mo. Basta, ulit-uli huwag mo na uulitin."
At bumalik na ulit si Issa sa unit niya para tawagan ang client. Samantalang, hindi mapakali itong si Joey. Sabi ba naman niya, "Naku! Paano ba naman ito? Kung ako nga, hirap na hirap ako maglinis para kumita ng pera, heto yung pagpipinta niya at ang mamahal pa ng materyales na ginamit niya para maibigay lang sa kliyente niya."
Kaya umisip si Joey ng paraan. Nag-google siya sa net kung saan puwede siya makapag-aral kung paano mag-sketching at mag-painting. Kaya nakapag-enrol siya. Pinakiusapan niya ang HR ang schedule niya sa trabaho para hindi ito magiging conflict sa schedule ng classes niya.
***************
Isang buwan ang nagdaan, naging mahusay na mag-sketching at mag-painting itong si Joey. At sinubukan niyang ipinta ang larawan ni Issa. Pagkatapos niya ginawa ang kanyang obra, ideniliver niya ito sa unit ni Issa bilang isang peace offering.
Sabi ba naman ni Issa, "Gawa mo ito?"
"Gulat ka no? Nagustuhan mo ba?" nakangiting sabi niya.
Kinuha ni Issa ang canvass at dinala niya ito sa kuwarto niya para isabit sa ding-ding. Saka bumalik siya sa sala kung saan nandun si Joey na nakaupo sa sofa.
Pagkatapos n'un, may inabot ng bills si Issa na naghahalaga ng 1,000 php kay Joey, "Heto, tulong ko na ito para sa iyo."
Nagulat naman itong si Joey at tinangihan niya yung pera na binigay sa kanya, "Hindi naman ako nagpapabayad. Peace offering ko lang yan."
"Tangapin mo na. Malapit na ang pasukan. Pandagdag din yan sa mga gastusin mo." wika nga ni Issa.
"Naku. Ma'am Issa, gift ko na po yan sa inyo. Huwag niyo na ako bayaran. Para lang sa akin ay sana mapasaya ko po kayo." sabi ba naman ni Joey.
"Ano pala pangalan mo?" tanong ni Issa.
"Jose Mari Calamares. But, you can call me Joey for short." sagot niya.
"Alam mo, Joey, tangapin mo na yung pera. Kasi, kagaya mo rin, nagsimula ako sa hirap. Kahit nasa ganito na akong katayuan, tinuruan pa rin ako ng Lola ko na magkaroon ng part time business. Para maging marunong sa buhay. Pero, natutuwa ako sa iyo, Joey. Napakabait mo." sabi ni Issa.
"Ganun po ba, Ms. Issa. Sige po, mauna na po ako." sabi ni Joey. Pero hindi pa rin niya tinangap ang pera.
Pag-alis ni Joey, saka siya naging kampante kasi alam niya na hindi na galit si Issa sa kanya. At optimistic siya na maging mabuti silang magkaibigan.
***************
Nakipag-bonding naman itong si Joey sa dalawa niyang kaibigan. Nandito ulit sila sa isang resto-bar o masasabi na gimmickan ng mga kabataan. At nakikisayawan din sila sa tugtugan.
Tinanong ni Cedric si Joey, "Kamusta na yung part time job mo? Ok ba? Alam ba ng erpats mo tungkol dito?"
Sagot naman ni Joey, "Ni hindi nga niya alam na matagal na akong drop-out sa school eh."
Gulat naman ni Miggie, "Ano ka ba naman, Joey? Magtino ka nga. Imbes na puro karera lang ang aatupagin mo, mag-focus ka rin sa pag-aaral. Para sa ganun, may natapos ka. Malay mo, maging isa ka naring gobernador ng Nueva Ecija balang araw."
Sagot naman ni Joey, "Hindi ko hilig ang pulitika."
At maya-maya, may lumapit sa kanila na kakilala nila na si Xander.
Sabi ni Xander, "May gustong humamon sa inyo sa karera."
Sabay turo sa babaeng blondie na na umiinom ng whisky.
"Sira ulo ka ba? Lasengera yang babaeng yan eh." commento naman ni Miggie.
"Balita ko, umuwi yan ng Pinas kasi pinatalsik sa boarding school sa London. Dahil nga notorious ang babaeng yan." dagdag pa ni Cedric.
Sabi naman ni Xander, "Mali kayo diyan. Heto ang tunay na kuwento. May long distance relationship siya sa ex-boyfriend niya. Tapos, itong ex-boyfriend niya kinalantari ang BFF niya. Kaya siya nagwawala ngayon sa London saka pinatalsik. Kaya balik ulit siya ng Pinas. Ngayon, gusto na niya magpakamatay."
Nagulat itong si Joey, "Ano? Gusto mo na ako pa ang bubungo sa babaeng yan?"
"Sige na. Tingnan natin kung magaling din siya mangarera." sabi ba naman ni Cedric.
And, at the exact 11:00 PM, nagumpisa na ang karera. Mabilis din magmaneho ang blondie. Mas mabilis pa siya kay Joey. Sa bandang huli, yung blondie ang nanalo sa karera.
Sabi naman ni Cedric kay Joey, "O, yung usapan pala natin. Kapag magreretiro ka na sa karera, babalik ka na ulit sa school at titinu ka na."
Gulat naman ni Joey, "Teka, set up ba ito?"
Lumapit ang babaeng blondie sa kanila, at sinabing, "Ang premyo ko."
Lumapit naman si Miggie sa kanya, "Miss, puwede kiss na lang."
Binatukan naman siya ng blondie.
Inabot ni Joey ang bayad kay blondie na nagkakahalaga ng 10,000.00 php.
"Saan mo gagamitin ang pera? Pang-bulakbol at pang-inum mo?" tanong naman ni Joey.
"Wala ka na doon!" sabi ng blondie at saka na siya umalis.
"Yun na lang natitira mong pera, a." sabi naman ni Miggie kay Joey.
Sagot naman ni Joey, "Hahanap ako ng paraan. Gaya ng sabi ko, tumutupad din ako sa usapan. Pagkatapos nito, mag-eenrol na ako sa school."
"Oo nga naman. At saka para matuwa na rin sa iyo ang crush mo. At hindi lang yung parating pagpapa-cute lang." paalala naman ni Miggie sa kanya.
\
\\
...