3 Chapter Two

The three of them have dinner together - Martin and his two children, Arvin and Issa. Pinagsaluhan nila ang inihaw na manok na dala ni Martin. At nagluto naman ang kasambahay nila ng pinakbet.

Sabi naman ni Martin, "So, how's this new home. Ok ka lang ba dito na nagiisa. Kung gusto mo, dumalaw ka sa amin tuwing weekend. Kung ako lang masusunod, imbes ang mama ninyo. Sana sa mansyon ka na lang tumira imbes na mag-renta pa tayo ng condo unit."

Sabi pa naman ni Arvin, "Dad, paano si Lola kung malaman niya ang tungkol kay Issa? Tiyak masisira ang bait n'un. At iniisip lang naman ni Mama ang kapakanan nating lahat."

Pakiusap naman ni Issa, "Dad, ok naman ako dito. Mukhang safe naman ang lugar na ito. At isa pa, ayaw kong magalit pa sa inyo si Lola. Tingnan na lang natin ang tamang panahon na matangap niya ako bilang apo niya."

"You are so understanding, anak. Katulad ka ng nanay mong si Louisa. Ganyan-ganyan din mag-isip."sabi ba naman ni Martin.

At nang natapos na ang dinner, umuwi na sina Martin at Arvin sa bahay. Doon naghihintay si Agatha.

Sabi pa naman ni Agatha, "We are going to attend a lunch party with the Adriatico this weekend. Mrs. Adriatico had just informed me this afternoon."

At tumingin pa ng seryoso si Agatha kay Arvin, "Mind your manners. I am serious."

"Sure, ma. Parang hindi naman iba sa akin ang mga Adriatico, even though they are strict vegetarian."sagot naman ni Arvin.

"Buti na lang, may ibang lakad si Mama. And, by the way, ang mga Adriatico pa lang ang nakakaalam tungkol kay Issa, and we have to be careful. Ayaw kong kumalat ito at malaman pa ito ni Mama." paliwanag naman ni Agatha.

***************

Sunday Morning at 11:00 AM, sa mansyon ng mga Adriatico. Hindi sinasadya ni Mrs. Adriatico na imbitahin ang ilan pang mga kaibigan. Kaya gulat na gulat ang buong mag-anak na Dela Rosa.

At pinakiusapan na lang ni Agatha ang mga kaibigan na dumalo sa lunch party na huwag na lang iparating sa biyenan niya ang tungkol kay Issa. At sinabi niya na si Issa ay anak sa unang asawa ni Martin.

Kaya tuloy pa rin ang salu-salo. Sina Denise at Issa ay nagiging malapit na sa isa't isa. Sila yung laging nagpapansinan at nagkukulitan. Mukhang napapansin na ito ni Mrs. Adriatico.

Nang matapos ang party at wala na ang mga bisita, kinausap ni Mrs. Adriatico si Denise, "Ijo, I really appreciate that you are being nice to Issa. Pero, bata ka pa, malayo pa ang mararating mo sa buhay. Tigil mo muna ang puppy love. And, you deserve someone better. Marami pa naman ibang babae diyan."

Duda naman ni Denise, "Ma? I thought you liked Issa for me."

"Ok. Nandun na ako. Issa maybe a perfect lady like a little princess pero komplikado ang buhay niya. You deserve someone better." pakiwari naman ni Mrs. Adriatico.

At si Denise naman ay hindi na kumibo. Inisip na lang niya na sundin na lang ang sinasabi ng kanyang mama.

***************

Isang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Denise kay Issa. At iniisip niya kung bakit hindi siya nagtetext o sumasagot sa mga text's and call's niya. Kaya ang advised sa kanya ni Arvin, "Ganito yun, Issa? Alam mo naman ang ugali ni Mrs. Adriatico, matapobre din? Tulad ni Lola. Sa tingin mo gusto ka ni Mrs. Adriatico sa anak niya maski alam niya na anak ka sa labas ni Papa?"

At naisip na rin ni Issa na tama nga ang opinyon ni Arvin.

At heto, mas prioritize niya ang school. At tuwing weekend, meron siyang piano lessons, voice lessons at art lessons gaya na pinapagawa sa kanya ni Agatha. Pumupunta ang music teacher at art teacher niya sa condo unit na tinitirahan niya. At wala pa rin nalalaman ang Lola niya na nasa poder na siya ng Papa niya.

Naisipan ni Issa na sumali ng art contest. At nananalo siya ng grand prize. Siyempre, nandiyan ang media. Nailathala sa local newspaper ang pagkapanalo niya sa art contest. Nakarating ang balita kay Dona Manuelita dela Rosa.

Hindi na kinompronta ni Dona Manuelita sina Martin at Agatha. Pinahanap niya kung saan nakatira si Issa at saka niya ito pinuntahan.

Pag-ring ng doorbell, si Issa ang nag-bukas. At nagkita na sila ni Dona Manuelita.

Bati ni Dona Manuelita, "You must be Isabella. May I come in?"

"Sino po ba sila?" tanong ni Issa.

"I am Dona Manuelita Brigitta dela Rosa." sagot niya.

At biglang napalunok sa kaba itong si Issa.

"Oh my! Don't fret and stare at me like that. I am here because I wanted to see your artworks." sabi pa niya.

At pinatuloy siya ni Issa.

Tiningan ni Manuelita ang mga muebles sa loob ng condo unit.

Sabi pa niya, "Hmm... The Adriatico's has a quite good taste. After showing me your artworks, would care to go out with me to have some tea while we are having a small chit-chat?"

Pumayag naman si Issa.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES