1 Prologue

Sa kalagitnaan ng dilim, dala-dala ni Louisa ang sanggol. Paluwas na sila ng Maynila sakay ng bus. At nang nakarating na siya ng Maynila, dumerecho siya sa bahay ng kanyang Ninong Felipe. Ibinigay niya ang sanggol sa matanda.

Sabi niya, "Siya po yung bata na sinasabi ko?"

"Alam ba ng asawa mo tungkol dito?" usisa niya.

"Ayaw kong malaman niya ang tungkol sa kanya. Tiyak kong ilalayo niya yung bata sa akin. Sa ngayon, gusto ko muna alagaan niyo ang bata. Kapag nakapag-ipon na ako, saka ako babalik ng Pilipinas at tutulungan ko kayo na aalagaan siya. Pero, huwag kayong magalala. Padadalhan ko kayo ng pera tuwing susuweldo ako." sabi niya.

Pero nagdaan na ang mga panahon, nagpadala man ng pera si Louisa sa Ninong Felipe niya, ngunit hindi man lang ito nakauwi ng Pilipinas tuwing pasko o bangong taon.

"Lolo? Bakit hindi man lang nagpadala ng picture si Mama ngayong taon kumpara nung nakaraang taon?" tanong ni Issa.

"Anak? Siguro, busy lang. Alam mo naman? Mahirap ang maging domestic helper sa Canada. Kung ako sa iyo, mag-aral kang mabuti." bilin ni Lolo Felipe.

At itong huling pasko, umuwi man si Louisa sa Pilipinas. Pero, isa na siyang malamig na bangkay. Dahil sa aksidenteng natamo niya na nasunugan ang bahay. Kaya sina Lolo Felipe at Issa na lang ang magkasama sa buhay.

Si Lolo Felipe ay isa pa ring magaling na mekaniko. Samantalang si Issa naman ay nagsisikap na mag-aral habang nagbebenta ng banana cue.

Isang beses, may dumating na bisita. Isang magarang kotse na may isang sakay na matangkad na babae na nakapostura.

Siya si Agatha dela Rosa, ang pangalawang asawa ni Martin dela Rosa. Natunton niya ang bahay ni Felipe dahil nalaman niya nandun nakatira ang anak ni Louisa na si Issa.

Sabi ni Agatha, "Nandito ako para kunin ang bata. Si Martin ang tunay na ama ng bata. At huwag kayong magalala. Bilang kunsuelo de pabor, bibigyan ko kayo ng sapat ng halaga kapalit ng pagaaruga niyo dito sa batang ito."

Sagot naman ni Felipe, "Kamag-anak din ako ni Louisa. Hindi ko kailangan ng kunsuelo de pabor na sinasabi ninyo. Ang sa akin lang, paano ko masisiguro na nasa mabuting kalagayan ang apo ko sa inyo?"

"Isa lang ang sagot dito. Bilang kinikilalang asawa ni Martin, ituturing ko siyang tunay na anak. Makakapagaral siya sa magandang eskwelahan. Magkakaroon siya ng mga bagong damit at sapatos. At hindi na niya kailangan magtinda para lang meron siyang baon araw-araw." sagot naman ni Agatha.

Hindi na nag-atubili si Issa na magtanong kay Agatha, "Tita, kung ok lang ba sa inyo? Dadalaw ako kay Lolo tuwing weekend para matingnan ko ang kalagayan niya."

Ngumiti sa kanya si Agatha, "Ija, hindi ka namin pagbabawalan kung yun ang gusto mo."

Tumingin si Issa kay Lolo Felipe, "Lolo, pumayag na po kayo. Para sa ganun, hindi kayo mahirapan sa mga gastusin sa pagpapaaral sa akin. At higit sa lahat, kung ako naman makapagtapos, tutulungan ko po kayo."

Sabi naman ni Lolo Felipe na may pagaalinlangan, "Kung yan ang gusto mo, anak. Ikaw ang masusunod. Lagi kang magdadasal ha."

At nagyakapan sina Lolo Felipe at Issa. Pumunta si Issa sa kanyang kuwarto para kunin ang kanyang mga damit. Saka siya sumakay ng kotse kasama si Agatha patungo sa isang condo unit sa Taguig.

Nagtaka naman itong si Issa, "Akala ko kay Daddy niyo ako dadalhin?"

"Ija, mahaba ang istorya. Kung maari, dito ka muna. Tutal, malapit naman dito ang paglilipatan mo ng school. Ganito kasi iyon. Yung kapatid mong si Arvin, hindi pa niya alam ang tungkol sa iyo. Baka mabigla siya. Kung maaari, sa ganitong paraan masosolve natin ang problema. Huwag kang mag-alala, dadalaw-dalawin ka namin dito ng papa mo." bilin naman ni Agatha.

"Ayaw po ba ni Arvin sa akin?" taka niya.

"Paborito kasi siya ng papa mo. At na-ispoiled pa ng lola mo. Nagiisang anak namin siya na lalake. Kaya kung nalaman niya na may kapatid siya sa labas, magtatampo siya. Baka ano pa ang gawin sa iyo ng masama. At yung lola mo, masungit at masama ang ugali." advised pa ni Agatha.

Kaya heto, tinangap na lang ni Issa ang kinahantungan niya.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES