22 Chapter Twenty - One
"Good morning! Gising na! Rise and shine!" bati ni Yaya Ising habang binubuksan ang kurtina sa kuwarto ni Maita.
"Yaya Ising, ikaw pala yan. Inaantok pa ako." sabi naman ni Maita. At nakatalukbong pa ng kumot.
"Anak, hindi mo ugali ang nalelate sa school ha! Ang pagkakakilala ko sa iyo, maaga ka nagigising." sabi ni Yaya Ising.
"Dati pa yun. Nung nagpapangap ako bilang si Maya. Ngayon, iba na ang takbo ng buhay. Character ko na ang ginagampanan ko. Kailangan i-maintain ko ang grades ko para makapag-college ako sa mataas na eskwelahan." pakiwari naman ni Maita.
"Naku! Na-pressure pala itong alaga ko. Wala kang pinag-iba sa mga kapatid mo. Pinanganak kayong matatalino. Nung nagpapangap ka bilang Maya, kayang-kaya mo naman sagutin ang mga assignments at quizzes. Iniba mo lang ang pangalan mo. Anong pagkakaiba n'un. Kung ako sa iyo, sumali ka rin ng cheer dancing kagaya ni Maya. Para hindi ka parating stress. Magaling ka rin sumayaw." paliwanag naman ni Yaya Ising.
"Ganun po ba? Ano kaya sasabihin nina Mommy at Daddy kung sasali din ako ng cheer dancing?" usisa ni Maita.
"Sigurong matutuwa ang parents mo. Kasi may anak silang maganda at bibo kagaya mo." sagot naman ni Yaya Ising.
At nung hapon na yon, sa school gym, kung saan nagprapractice ulit ang mga cheer leaders, dumaan si Maita para panoorin silang mag-practice. Kinausap naman siya ng coach para kamustahin.
"Kamusta ka naman, Maita?" tanong ni Coach.
"Ok naman po ako. Heto busy sa studies." sagot ni Maita.
"Alam mo, magaling ka rin sumayaw kagaya ni Maya. At konting sanay pa, huhusay ka rin sa pag-cheer dancing. Gusto mo ba bumalik sa team?" sabi pa naman ni Coach.
Dagdag pa naman ni Violet na hindi sinasadya na mag-eavesdrop, "Oo nga naman, Maita. Sayang naman yung talent mo."
"Teka, kukuha ako sa faculty room, titingan ko kung meron pa extra na uniform na kakasya sa iyo. Para may sarili ka rin pansuot." sabi ni Coach at pumunta na siya ng faculty room.
"Hayan, Maita! Welcome na welcome ka naman sa team namin. At magka-vibes tayo!" sabi ni Violet.
Lumapit si Maya sa kanila at parang tipong aasarin niya si Violet, "Hi, Smurf! Mukhang nakakita ka ng bagong kaibigan. Ang saya mo siguro."
"Eh, ano naman ngayon? At least nakakausap ko ay tao at hindi halimaw na kagaya mo!" sagot naman ni Violet.
At inirapan lang siya ni Maya. Nang bumalik na si Coach, saka pinasukat niya ang extrang uniform kay Maita. Saka ito pumunta ng sa shower room para magbihis.
Sabi ba naman ni Coach kay Maya, "Sa totoo lang, it is worthy if we let her join the team. Para naman mag-lift up ang issue na pagiging kontrabida mo dito sa school. Just kidding!"
Nagbuntung-hininga lang itong si Maya at hindi na siya nagsalita. Saka lumabas na si Maita suot ang kanyang uniform. At nag-practice na sila kasama si Maita.
Pagkatapos ng practice, saka kinausap ni Maya si Maita, "Ano ang ginawa mo kay Coach at bumait sa iyo. Siguro, ginayuma mo!"
"Ano ka ba? Mabait si Coach. Hindi mo lang kasi alam yon." sagot naman ni Maita.
"As you say so?" sabi ni Maya.
At maya-maya, nataranta si Coach at sinabing, "Nawawala ang wallet ko? May napapansin ba kayong wallet na kulay blue?"
Sagot naman ni Maya, "Uhm! Sa pagkakaalam ko, Coach, magkatabi lang ang bag niyo ni Maita."
Saka tumingin siya kay Maita, at sinabihan, "Maita, tingnan mo nga ang bag mo, baka nasama mo nung nagliligpit ka."
Kinabahan tuloy si Maita pero sinunod niya ang sinabi ni Maya. Nang tiningnan niya ang bag niya, wala doon ang blue wallet.
"Saan kaya yun?" sabi pa ni Coach na alalang-alala pa.
"How about you, Violet? Di mo ba titingnan ang bag mo?" tanong ni Maya kay Violet.
"What? Bakit ko naman titingnan ang bag ko?" taka ni Violet.
"Baka naisuksuk mo lang dahil hindi mo naman iniinum ang tranquilizer mo at nagiging kleptomaniac ka na naman." sabi ni Maya.
Pero, sumingit agad si Coach dahil natagpuan na niya ang wallet, "Girls, I am so sorry. Nasa bulsa ko pa pala. Don't worry. It's my mistake!"
Sagot naman ni Maya, "Natagpuan pala ang wallet. So, no worries!"
Natawa na lang ang mga ilang kasamahan nila. Pero, hindi na umimik sina Maita at Violet.
Bago sumakay ng kotse si Maita pauwi, kinausap muna siya ni Violet, "Girl, magiingat ka sa kapatid mo ha. Huwag na huwag mo siyang gagalitin. Baka gagawa siya ng hindi maganda sa iyo."
"Is she sick?" tanong naman Maita.
"I don't know. Alamin mo na lang." sabi ni Violet.
At pag-uwi nila ng bahay, sinalubong nila ang mommy nila na naghihintay sa kanila.
Kinausap ni Maya ang mommy niya, "Ma, alam mo ba muntik ng nawalan ng wallet si Coach kanina. At mabuti na lang wala sa bag ni Maita. Magkatabi kasi ang mga bags nila eh."
"Ano ka ba naman, pagbibintangan mo ba ang kapatid mo?" sabi ba naman ni Mrs. del Real.
"Iniisip ko lang, what if, my psychological illness itong si Maita na kleptomaniac kagaya ni Violet. Eh di dapat, kailangan natin mag-ingat dito sa bahay. At bigyan ng karagdagan support itong si Maita. Baka kasi kung ma-stressed, anu-ano ang nangyayari." sabi pa niya.
Narinig nina Maverick at Maita ang sinabi ni Maya kay Mrs. del Real. Hindi na sila kumibo pareho. Naiyak itong si Maita at dumerecho na sa kanyang kuwarto. Hindi na siya sumama sa kanila para mag-dinner.
Pero, hinatid naman siya ng pagkain ni Yaya Ising.
"Ikaw ha? Hindi mo sinasabi. May tendency ka pala magnakaw." sabi ni Yaya Ising.
Gulat niya, "Ano po?"
"Kinausap ng mama mo ang mga madre sa orphanage. Tinatanong kung may psychological illness ka ba raw na nagnanakaw. Ang sabi naman nila, oo. Nagnanakaw ka raw ng bayabas at mangga sa puno ng kapit bahay. Naku! Tamang-tama na cheer leading ang sinalihan mo. Dahil athletic ka. At isa pa, minsan naipa-barangay ka na raw kasi nagnakaw ka raw ng kambing at manok sa kapit-bahay. At sabi ko naman kay Ma'am, normal lang sa bata na kagaya mo. Pero, pagsabihan daw kita na huwag mo na gagawin iyon." paliwanag naman ni Yaya Ising.
"Naku! Ganun po. Hindi ko na po uulitin ang mga yon. Nandito na po ako sa Maynila. At nagbagong buhay na po ako. Maayos naman po ang pakikitungo ko sa inyong lahat, hindi ba?" sabi ni Maita.
"Oo naman. Kasi napakabait mong bata. Kumain ka na. Baka lumamig ang pagkain. Masama ang walang laman ang tiyan. Hindi ka magiging honour student. Gusto mo humabol sa pagiging valedictorian?" sabi pa ni Yaya Ising.
"Oo naman po. Pagbubutihin ko po ang pagaaral ko para makapasok ako sa magandang school." sabi ni Maita.
At kinain na niya ang pagkain na hinatid sa kanya ni Yaya Ising.
Samantala, si Maya ay pumunta sa kuwarto ng parents niya, mukhang nagdadabog, "Ang arte naman ni Maita. May pa-dinner in bed pa!"
"Hindi magtatampo yun kundi dahil sa iyo. Kung ako sa iyo, magpakabait ka. At isa pa, ikaw ang ate, dapat inaalagaan at pinoprotektahan mo ang mga kapatid mo." sabi ni Mrs. del Real.
"Yes, ma." sagot naman ni Maya na medyo nakasimangot.
\
\\
...