21 Chapter Twenty

Nung gabing yon, nasa resto-bar si Daniel, umiinom ng cerveza kasama si Fredo. Nagsecelebrate sila sa kapanalo niya ng 1st prize sa art competition. Hindi rin maiwasan na napagusapan nila ang pagbabalik ni Maya at pagkadiskubre nila na ang kapatid niyang si Maita ay nagpapangap bilang siya.

Sabi pa ni Fredo, "Dan, ano kaya kung may kakambal ako kagaya ni Maya? Magpapangap kaya siya bilang ako?"

Biro pa ni Daniel, "Ano ka ba? Hahayaan mo ba ang ibang tao na magpangap bilang katauhan mo?"

Sagot naman ni Fredo, "Naiingit nga ako kay Maya. Nasa kanya na ang lahat. May mababait siyang mga magulang at mga supportive na kapatid."

Dagdag pa ni Daniel, "Kaya pala nagtataka ako na parang kakaiba ang reply sa email ko. Yun pala si Maya na mismo yun at binibigyan na niya ako ng hint?"

Gulat ni Fredo, "Alin? Yung pagtatapat mo kay Maya na naalintana dahil nagpapangap pala itong si Maita bilang siya?"

"Alam mo, sisiguraduhin ko, effective ang panliligaw ko kay Maya this time. At alam kong mapapasagot ko siya." sabi ni Daniel.

Tanong naman ni Fredo, "Paano naman si Maita? Hindi kaya nahuhulog na sa iyo yung babaeng yon?"

"Parte lang yon ng pangpapangap niya. Natural, walang nararamdaman ang babaeng yon sa akin." sagot naman ni Daniel.

At sa bahay naman ng mga del Real, nagpakasunduan na nina Maverick at Maya na ibigay kay Maita ang mga damit nila na hindi na nila sinusuot. Kaya tuwang - tuwa naman itong si Maita.

Kinabukasan, pina-enrol na ni Mrs. del Real si Maita sa Stockard Lois Academy. At pinakisupan naman niya ang dean tungkol sa naging case ni Maya kung bakit kailangan magpangap pa si Maita bilang siya. Napagdisisyunan ng principal na kailangan sumailalim sa entrance exam si Maita. Kapag siya ay nakapasa, maari niya ipagpatuloy ang kanyang pagaaral kasama ang mga na-credit niyang subjects sa dati niyang school sa probinsya.

Ngayon, wala ng problema si Mrs. del Real sa papeles ni Maita. Kilalanin na siya ngayon bilang Maita del Real.

Nang dumating ang araw ng pasukan, mabilis kumalat ang balita tungkol sa incredible triplets. Ito naman si Maya, balik sa dating gawi. She is now Ms. Popularity again at kasama sa cheering squad. Samantalang si Maita, kailangan na niyang mag-focus sa studies kaya hindi na siya sumali sa cheering squad. Kaya lang siya sumali dati dahil nagpapangap siya bilang si Maya. Si Maverick naman arts and music pa rin ang hilig.

Habang nagprapractice si Maya at mga iba pang members ng cheering squad, pinuri siya agad ng coach, "Maya, good job! I am glad that you're back!"

"Thanks, Coach!" sabi naman niya.

Nang sila nagpapahinga, nilapitan siya ni Violet, "Wow! Kita mo nga namin. Ikaw na naman ang reyna dito sa school."

"Masama ba ang loob mo, Violet?" taka ni Maya.

"Hindi naman. Pero, in fairness, yung mga panahon na nakakasama ko ang mga kapatid mo, ibang-iba sila sa iyo." sabi ni Violet.

"What do you mean, ibang-iba sila s akin?" usisa ni Maya.

"Well, si Maverick, she seems one of the boys. Kaya kasundong-kasundo niya sina Daniel at Fredo. Si Maita naman, she is kindhearted to the poor. Best ambassador of good will!" sagot naman ni Violet.

"Derechohan mo na ako, Violet!" inis ni Maya sa gustong ipahiwatig ni Violet.

"You are once called a bully in this school. That's why you are feared. Pero, sa kabila ng lahat, I admired you. Kasi, nung nawala ka, nalungkot ang buong school. Like they are worshipped you like a goddess." paliwanag naman ni Violet.

"You...psycho!" sabi ni Maya nang susungaban na niya si Violet pero pinigilan siya ng ilan nilang kasamahan bago mauwi pa sa sambunutan ang dalawa.

At natatawa na lang si Violet saka nagtungo ito sa gym para mag-shower.

Habang nagsha-shower itong si Violet, pasekretong nilagyan ni Maya ng dye ang shampoo ni Violet. At pagkatapos niyang maligo, nagulat siya nang nakita niya sa salamin na naging color violet ang buhok niya at pati na rin ang balat niya.

Nagiiyak siya palabas ng locker room pagkatapos nito magbihis.

Sabi ng Coach kay Maya, "Please be kind to Violet. At ayaw kong mangyari pa ulit ito."

Sagot naman ni Maya, "Yes, Coach."

At pagkatapos ng music class, sasakay na si Maverick sa kotse para umuwi nang bigla na lang tinawag siya ni Davina, "Maverick, sina Daniel at Fredo, nakipag-away sa taga-ibang school. Doon sila sa tapat ng convinience store. Puntahan natin."

At tumakbo ng matulin sina Davina at Maverick papunta sa convinience store. Dumating na agad ang mga rumispondeng pulis para awatin ang away nila.

Sabi naman ng isang lalaking estyudyante na taga - ibang school, "Yung girlfriend mo, pok-pok! Kitang - kita naman sa website na nagbebenta siya ng laman!"

Nang pinakita niya ang website kay Daniel, saka tumingin si Daniel kay Maverick. Lumapit si Maverick sa kanya at kinukutuban na siya. Tiningnan niya yung website. Ito yung website kung saan nag-post siya na naka-bikini para sa pagmomodelo sa isang kumpanya na nagbebenta ng dildo online.

Sa inis ni Maverick, sinuntok niya yung lalakeng estyudyante na nangmamayari ng iPhone.

"Yes!" cheer ni Fredo.

"Pok-pok pala ha! Ulol!" sabi ni Maverick sa lalaking estyudyante.

"Tomboy ka? Yuck!" taka nung lalakeng estyudyante.

"Ngiii!" sabi ng isa pa niyang kasama. At sabay silang dalawa pumalipas ng takbo. Pero, hinabol naman sila ng mga pulis.

Advised naman ni Daniel, "Huwag mo ng intindihin yon. Nakaganti ka naman sa kanila."

Hindi mapigilan na napaiyak si Maverick. At ang mga pulis naman ay inescort silang tatlo sa prisinto. Sa prisinto, hiningi ang kani-kanilang mga panig. Napagalaman nila na tinangap lang ni Maverick ang trabahong yon ng isang beses na magmodelo siya ng dildo sa online website para may pang-gastos sa operasyon para sa papa niya para sa prostate enalargement.

Sabi ni Fredo, "So, hindi ka na pala virgin?"

Inis naman ni Maverick, "Sira! Nakapose lang ako ng McDonald sign at ang background print ko ay dildo. Tapos, sasabihin mong tinira na ako sa puwet?"

Gulat naman ni Daniel, "Easy lang kid! Nagtatanong lang yung tao. Curious kasi baka gusto niyang bumili para gamitin niya sa bahay."

Sagot naman ni Fredo, "Siraulo! Hinding-hindi ko yan gagamitin kay Muning II."

Nang dumating na ang parents nila para piyansahan sila. Ito naman si Maya, ginatungan si Maverick, "Sa ating dalawa, akala ko, ako yung bad ass. Mas malala ka pala."

Sinuway naman siya ni Mrs. del Real, "Maya, tumahimik ka diyan."

Nagpaumanhin si Maverick sa parents niya, "Sorry po kung naglihim ako sa inyo."

"Ok lang yun, anak. Naintindihan namin. Pinaliwanag na sa akin ng foster father mo ang nangyari. Nakaraan na iyon at huwag mo na intindihin." paalaala ni Mrs. del Real.

Dagdag pa ni Mr. del Real, "Alam mo, anak? Mabuti ikaw, may hiya ka pa! Itong kapatid mong si Maya, walang hiya. 12 years old pa lang sya na nagsubmit siya ng bio data niya para mag-pose sa playboy. Alam ko naman dala lang ng pangangailangan yan. At walang lalakeng magkakainteres sa binebenta mo. Kung makita man nila ang pinost mong picture, nauumay na sila agad."

Natawa na lang si Maverick at niyakap niya si Mr. del Real, "Dad, wala kang kasing katulad. You are the best Dad in the world."

At kinabukasan, kalat na sa school ang pagmomodelo ni Maverick para sa dildo. At siyempre, napapahiya na itong si Maverick at wala ng ganang mag-lunch. Kaya nilapitan siya ni Violet para i-motivate. Pero, in fairness, ang tapang ng chemical na inilagay ni Maya sa shampoo niya. Violet pa rin ang kulay ng hair at balat niya.

"Girl, ok lang yun. Na-gets ka naman ng lahat. Kasi dati poor at jologs ka. Ngayon, rich at sosyal ka na. Kita mo naman yung sex scandal ko at kasama yung jowa ko. Hindi ba may 4 Million viewers ako. Kumpara ba naman sa youtube post ko sa pagmomodelo mo. Eh, ako ang mas sikat kesa sa iyo!" biro pa ni Violet.

"Wow! At pinagmamalaki mo pa ha? Mabuti hindi ka na-kicked out." gulat ni Maverick.

"Aba! Hulaan mo kung sino ang nagpost nito? Yung magaling mong kapatid at ang jowa ko. Hmph! Kaya nga ako banas na banas sa kapatid mong ahas! At nang nalaman kong may affair sila, hiniwalayan ko na agad ang jowa ko." sabi ni Violet.

"Mukha nga nagsasabi ka ng totoo." sangayon ni Maverick.

"Kitam! Walang perpekto sa mundo. At duda ko, yung pagdukot kay Maya, parang pinagplanuhan lang niya iyan. Imposibleng may nagkidnapped sa kanya. At honest pareho ang mga magulang mo sa business at wala silang kalaban, sabi ng papa ko." dagdag pa ni Violet.

Usisa naman ni Maverick, "Sino pala naging jowa mo na kasama sa sex scandal na yan?"

Sagot naman ni Violet, "Ah! Si Fredo."

At natigilan tuloy si Maverick.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES