9 Chapter Eigh

Maverick has been busy this past few weeks with sports, school projects and homeworks. And, when she knew that it is her Mom's birthday next week, nagplaplano na siya kung paano niya masurprise ang mom niya.

Then, before she goes to school, may dumaan na kartero sa bahay nila. At may inabot sa kanya na sulat. At nang binuksan niya ang sobre, naglalaman ito ng isang mensahe.

Ang mensahe, "Welcome home, Maverick! Ngayon siguro nasisiyahan ka na sa pagiging buhay prinsesa. Magingat-ingat ka na lang dahil hindi mo kilala ang mga tao na nasa paligid mo. Tulad na lang sa mga bago mong naging kaibigan. Sorry, kung ngayon lang ako naka-reach out sa iyo. Paki sabi na lang sa mama mo, Happy Birthday!"

Maverick is so shocked. Pinunit niya ang sulat at tinapon na lang sa trash can. Para sa kanya, prank lang yan sa isa sa mga gago sa school. Then, nagpahatid siya sa driver papuntang school.

Pagdating niya ng school, may nagtext sa kanya mula sa isang anonymous number. At ang sabi, "Puntahan mo ako sa parking lot. Hinihintay kita doon kanina pa."

Nagtataka siya. Akala niya, isa yun sa mga kaibigan niya. At nang pinuntahan niya ang parking lot, wala naman siyang nakikita. Hangang sa may humarurot na sasakyan na dumaan na gusto siyang bangain. Pero, pasalamat na lang na nandun si Daniel at sinagip siya.

Sabi ni Daniel, "Mavs, mag-ingat ka naman. Ano kasi ginagawa mo dito?"

Tanong naman ni Maverick, "Is this supposed to be a joke? Ikaw ba ang nagpadala sa akin ng message na ito."

At nang pinakita niya ang anonymous number na nagtext sa kanya, ang sagot naman ni Daniel, "Nope. Hindi ako ang nagsend n'yan. Huwag mo na lang kasi basta-basta pansinin ang mga nagpapadala sa iyo ng ganyan. Mas lalo ka pang mapapahamak."

"Darn! Magpapalit na lang ako ng sim card." sabi ni Maverick.

At nang tumuloy na siya sa classroom, nagulat na lang siya na may greeting card naiwan sa lamesa niya at nakapangalan sa kanya. At nang binuksan niya ang greeting card.

"What a pleasant surprise! It's good to see that you have been taken care of one of my good friends. Don't worry! Kung hindi mo ikukuwento sa parents mo ang nangyari kanina, mas lalong hindi ka mapapahamak."

At kinabahan na tuloy si Mavericks. Naging palaisipan na sa kanya kung sino ang nagpapadala sa kanya ng mga mensahe na ito.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES