7 Chapter Six

"Kung nakita mo sana kung ano ang hitsura ni Lucy nung nagkasagutan sila ni Maverick." sabi ni Davina. Tuwang - tuwa siya nang kinuwento niya ang ang nangyari sa cafeteria nung isang araw. Dahil isa rin siya sa mga saksi sa eskandalo na ginawa ni Lucia.

Sagot naman ni Giselle, " Ay naku! Talagang pabagsak na ang reputasyon ng babaeng yon. Wala na akong magagawa para sa kanya. Siya naman ang sumisira sa buhay niya."

Taka naman ni Davina, "Hindi ba, dati kayong magkaibigan ni Lucy? Bakit ganyan ka magsalita?"

Paliwana pa ni Giselle, "O, c'mon? Ikaw nga itong nawalan rin ng cell phone, tapos parang hindi ka affected. Kunsabagay, mas mahal naman yung cell phone ko kesa sa cell phone mo."

Kalat na kasi sa buong school ang pinagawa ng principal kay Lucia. And, Lucia needs to comply with the requirements. Kundi, expel na siya sa school.

Pero, bilib naman ang mga kaklase nila sa pinakikitang tapang ni Maverick kung paano niya harapin ang panunutya ni Lucia sa kanya. At kinilig pa ang ilan kung paano pinagtangol ni Daniel si Maverick kay Lucia. At tila, para sa kanila, isang Knight in Shining Armour si Daniel, which is ideal guy ng lahat ng mga girls.

Dahil sa eskandalong iyon, hindi na si Lucia ang SC President. The Student Affairs believed she is not trustworthy anymore. Kaya kailangan nilang humanap ng estyudyante na hahalili kay Lucia. And, Davina Mendez is fit for the position. She is a Straight A student and have good reputation.

At sabi pa ni Giselle sa kanya, "Kaya ang masasabi ko lang sa iyo, cousin, pagbutihan mo. Hindi ba dati mo pa gusto maging SC President, pero naunahan ka lang ni Lucy. Siguro nga deserving mo nga matupad ang wish mo. Kung naging matinu pa yung babaeng yan, hindi siya matatangal sa puwesto."

Natawa naman si Davina sa reaksyon ni Giselle, "I really love you, cousin."

Everything is changed since Davina became the SC President pero nakakabuti yun sa lahat. Mas gumanda pa ang mga projects ng Student Affairs para sa students at maraming nasiyahan na estyudyante.

Habang masaya ang lahat at nakamove-on na sa dating chismis na nangyari kay Lucia. Ito naman si Lucia, bumaba ang self-esteem dahil nararamdaman niya na wala na siyang masyadong kaibigan. Kung dati, bago siya umuuwi, gumigimik muna siya kasama ang mga friends niya. Ngayon, bahay-eskwela lang ang takbo ng buhay niya. At mas humigpit pa ang parents niya sa kanya since that incident. Hindi niya mawari kung bakit siya nagdudusa sa kasalanan na hindi naman siya ang may gawa.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES