1 Chapter One

"Happy Birthday, Maita!"

"Happy Birthday too, Maya!"

At sabay sila nag-blow ng kani-kanilang mga cake. Si Maya ay nasa kanyang kuwarto. Wala ang mga parents niya, naka-chat lang naman niya ang kanyang kakambal na naka-meet niya sa Internet. Samantalang, si Maita ay nasa computer shop.

"Kamusta na sina Papa at Mama?" tanong ni Maita.

Sagot naman ni Maya, "Heto, nasa business trip na naman. Ganito parati ang ginagawa nila tuwing birthday ko. Parati na lang iniiwan ako sa bahay."

Sabi naman ni Maita, "Ano ka ba naman, Maya? Magulang natin sila. Teka, matanong ko lang. Naikwento mo na ba sa kanila na nagkakilala na tayo?"

Hindi pa makakibo si Maya. Pero, ilang segundo, nagsalita na muli siya, "Hayaan mo. Pag-uwi nila galing Macau, sasabihin ko sa kanila. Para maisundo ka na namin diyan sa ampunan."

Sabi ni Maita, "Kung gusto mo, luluwas na lang ako ng Maynila. Magkita tayo sa terminal. Para sa ganun, makita ko na sila. Excited na kasi ako makasama kayo eh."

Natawa naman si Maya, "Sige. Kelan ka luluwas. Para sa ganoon, mapaghandaan ko. Tapos, text mo ako kung nasa terminal ka na."

At dumating ang araw na pinakahihintay ni Maita. Nang nasa terminal na siya, nagtext na siya agad kay Maya para masundo na siya. Samantalang, katatapos lang ni Maya sa kanyang klase. At natangap na niya ang text ni Maita para masundo na niya ito. Nagpaalam siya agad kina Giselle at Lucia. Ngunit, simula n'un wala na silang natangap na balita mula kay Maya.

Hangang sa napabalitaan na lang nina Giselle at Lucia na nawawala si Maya. At humingi na ng tulong sa awtoridad ang mga magulang ni Maya.

Hindi lubos maintindihan nina Lucia at Giselle kung bakit nawawala si Maya. Kaya bali-balita sa school, nakipagtanan ito sa secret boyfriend niya.

Sa kabilang banda, nagtataka din si Maita kung bakit hindi siya sinundo ng kakambal niya nuong araw na yon. Kaya nakituloy na lang siya sa boarding house at namasukan siya bilang crew sa 7-Eleven. At wala na rin siyang natangap na text mula kay Maya. Hangang sa napabalitaan niya na nawawala ito dahil nabasa niya ang balita sa isang tabloid.

Gusto niya puntahan ang magulang niya. Pero, natatakot siya baka magkagulo o hindi siya tangapin sa rason na nagluluksa pa sila sa pagkawala ni Maya. At sa pagkaka-alam niya, hindi pa alam ng tunay niyang magulang ang tungkol sa kanya.

\

\\

...
RECENTLY UPDATES